Binibigyan tayo ng buhay ng Panginoon. Iniligtas niya tayo sa ating mga ginawang mga kasalanan. Inisantabi niya ang kanyang sariling dangal upang tayo’y maikubli sa landas ng pagbabago at kabutihan. Sa bisa ng pagkakapako sa Krus ng ating panginoon, nakita natin ang ilaw, ang tamang daan sa tamang panahon ng ating pamumuhay. Lahat tayo ay naniwala at nagtiwala.
Ikaw kapatid, matanong kita, nagtiwala ka ba sa akin? Kumiling ka ba sakin at sa boses ng iba? Marahil nga lamang, sa isang aspetong ibinahagi natin ang ating sarili sa kabilang dako ng mga bagay ay talagang mahihinuha ng lubos na ang tao ay mayroong mga kinikilingan o mga inaayawan.
Ganito tayong mga uri ng tao. Hindi natin maasahan na ikaw, sila o ako ay iyong tunay na kaibigan. Sapakat ikaw ay isang tao rin lamang, nagkakamali, nagkakasala at higit sa lahat, nawawalang ng tiwala at pananampalataya. Ganito tayo noon, ganito pa rin tayo ngayon. Dadating kaya ang panahon na ang mga tao ay pormal na nating mapagkakatiwalaan? Makikinig ba tayo sa kanilang mga bibig o humalili sa kanilang mga naunang hakbang?
Panahon na mga kapatid na isantabi natin ang pagsisiraan, libakan at upakan sa likod ng isang taong walang kaalam-alam. Huwag nating gawing parang palaruan ang buhay at kapakanan ng isang nilalang. Ating panatilihin ang pagmamahal sa ating kapwa ng walang katumbas na halaga at bagkus suklian pa ito ng isang walang sawang PAGTITIWALA.
No comments:
Post a Comment